TUNGKOL SA AMIN
ang aming misyon at bisyon

Ang Arizona Asian American Native Hawaiian and Pacific Islander for Equity (AZ AANHPI for Equity) ay isang organisasyon sa sumasaklaw sa buong lalawigan na siyang nagsusumikap para sa pagiging patas at makatarungan sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan gamit ang pag-oorganisang nakatuon sa komunidad, pagpapaigting ng sibikong pakikipag-ugnayan, at ang pamamahagi ng kapangyarihan sa mga lider sa kabataan.
Layon namin makita ang isang pamayanan ng mga Asian American Native Hawaiian at Pacific Islander (ANHPI) na nagtutulungan upang hubugin ang kinabukasan bilang bahagi ng mas malawak na kilusang pang-hustisya sa lahi at isulong ang aming komunidad patungo sa iisang adhikain ng katiwasayan sa pamumuhay para sa lahat.

kilalanin ang aming kopunan
JENNIFEr
TAGAPANGASIWANG PANGKALAHATAN/TAGAPAGTATAG
MAYO
DEMOCRACY DEFENDER DIRECTOR
Temi
Direktor ng Kampo
Lan
Tagapamahalang Pamprograma
Nile
Direktor ng Pangkomunidad na Outreach sa Kabataan
Li'olemāsina
TAGAPAG-ORGANISANG PANGKOMUNIDAD
mga kasapi sa koalisyon
sumali sa aming kopunan!

tapag-organisa ng komunidad
Ang Tagapag-organisa ng Komunidad ay mananagot sa pagtataguyod at pagpapakilos ng isang baseng nagtataglay ng iba't-ibang lahi na nakatuon ang pansin sa mga Asyanong Amerikano.
Direkta silang pangangasiwaan ng at magiging katuwang sa mga kumokonsultang tagapangasiwa ng proyekto, na magtatrabaho tuwing kinakailangan kabilang ang iba pang mga kawani at mga kasosyong pangkomunidad patungo sa matagumpay na pagpapatupad ng alin at anumang kampanya at proyekto.
Magtatrabaho din sa mga hindi-pangkaraniwang oras ang mga tagapag-organisa gaya ng mga katapusan ng linggo at mga gabi upang tugunan ang mga oraryo ng kampanya at proyekto.

mga tagapag-canvass
Kompensasyon:
Kompensasyon batay sa oras: $20 bawat oras
Sinasaklaw ang mga benepisyong pangkalusugan para sa mga empleyadong gumugugol ng 25 oras o mahigit bawat linggo makalipas ang 30 araw na probasyon
Kapaligirang Pangtrabaho:
Buong araw kang titindig.
Lalakbay ka patungo at papunta sa opisina patungo sa field site.
Mga Kinakailangan:
Pagiging kumportable sa pakikipag-ugnayan at paglapit sa mga hindi kakilala
Dapat nagtataglay ng masugid na orientasyon sa mga detalye upang matiyak ang pagkumpleto ng
pagpaparehistro.
Dapat mayroong maaasahang transportasyon.
Dapat mayroong maaasahang cell phone.